Stephen Curry, nakaligtas sa karambola ng mga sasakyan sa US

AP photo

Maswerteng nakaligtas si 2-time NBA most valuable player Stephen Curry sa aksidente habang papunta sa practice ng Golden State Warriors (GSW).

Binabagtas ni Curry ang Highway 24 malapit sa Oakland nang sumalpok ang sasakyan nito sa dalawang sasakyan.

Nasira ang harapan at likurang bahagi ng sports car ng Warriors guard pero mabuting hindi ito nasaktan at nakapunta rin sa practice ng team.

Ayon sa pulisya, posibleng dahilan ng aksidente ang wet weather.

Samantala, hindi pa rin makakapaglaro si Curry sa laban sa Portland Trailblazer dahil nagrerekober pa ito sa injury.

Read more...