SOJ Guevarra, nagpaliwanag sa dagdag na sundalo sa 3 rehiyon sa bansa

Nagpaliwanag si Justice Sec. Menardo Guevarra ukol sa layon ng utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na dagdag tropa sa tatlong rehiyon sa bansa.

Ayon kay Guevarra, nais lamang igiit at palakasin ng pangulo ang unang utos nito nang maglabas ng memorandum order ukol sa pagpuksa ng karahasan sa Negros, Samar at Bicol.

May una aniyang utos ang pangulo, ang Memorandum Order no. 3, kung saan nakasaad ang guidelines kung paano puksain ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) ang lawless violence sa naturang mga lugar.

Samantalang sa bagong Memorandum Order No. 32, inutusan ang mga pulis na puksain ang karahasan at terorismo kasunod na rin ng mga naitalang violent incidents kamakailan.

Paliwanag pa ng kalihim, inatasan ang DOJ na agad imbestigahan at litisin ang mga mahuhuling lumabag sa batas at naghasik ng terorismo.

Kapag patuloy pa rin aniya ang karahasan sa nabanggit na tatlong lalawigan sa kabila ng memorandum order ay posibleng bumuo ang ahensya ng special task force.

Read more...