Dagdag-sahod sa gov’t employees, tuloy – Andaya

Inquirer File Photo

Tuloy ang dagdag sa sweldo ng mga nagtatrabaho sa gobyerno kahit magkaroon ng delay sa pagsasabatas ng 2019 national budget.

Ayon kay House Majority Leader Rolando Andaya Jr., walang magiging epekto ang kapalaran ng pambansang pondo sa susunod na taon sa naka-schedule na round ng umento sa sahod ng mga government personnel, civilian at mga miyembro ng militar.

Ipapatupad aniya ang salary increase kahit mabalam ang 2019 national budget.

Ayon kay Andaya, ibibigay ang dagdag-sahod sa mga government personnel sa unang sweldo ng 2019 na ilalabas sa January 15.

Giit ng kongresista, fake news ang ulat na nakadepende sa national budget ang sunod na pay hike ng mga kawani ng pamahalaan.

Paliwanag nito, magkaiba ang batas ukol sa dagdag-sahod ng mga sibilyan at military government employee kaya pwede ito ipatupad magkaroon man ng delay sa pag-apruba ng General Appropriations Act.

Nasa P121.7 bilyon ang inilaan sa panukalang 2019 national budget para sa salary increase ng mga sibilyan at military personnel ng national government.

Read more...