Ayon kay 88IB commanding officer Lt. Col. Dante Bermillo, ito ay matapos sumiklab ang engkwentro sa pagitan ng mga sundalo at NPA sa bahagi ng Barangay Santa Felomina sa bayan ng Quezon dakong 6:40 ng umaga.
Tumagal ang bakbakan ng 45 minuto.
Ilan sa mga nakuha sa mga rebelde ang tig-isang improvised grenade launcher, anti-personnel mine, 50-meter detonating cord; at tig-dalawang rifle grenade, solar panels at Cignus batteries.
Nakuha rin sa panig ng mga rebelde ang ilang medical paraphernalia, backpack at isang sako ng bigas.
Kasunod nito, hinikayat ni Bermillo ang mga rebelde na sumunod sa batas lalo na ngayong Holiday season para makasama ang kani-kanilang pamilya.
Samantala, wala namang napaulat na nasawi sa panig ng mga sundalo sa naturang bakbakan.