Tumama ang magnitude 3.9 na lindol sa Davao Occidental, Sabado ng hapon.
Batay sa inilabas na impormasyon ng Phivolcs, naitala ang episentro ng lindol sa layong 43 kilometers Southeast ng Don Marcelino.
Niyanig ang nasabing lugar bandang 12:49 ng hapon.
May lalim itong 128 kilometers at tectonic ang origin.
Gayunman, walang napaulat na pinsala sa lugar.
Wala ring inaasahang aftershocks matapos ang pagyanig.
MOST READ
LATEST STORIES