11 arestado sa sunud-sunod na drug raid sa Metro Manila

Arestado ang 11 katao kabilang ang isang lolo sa serye ng anti-drug operation sa Metro Manila na pinangunahan ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Kabilang sa mga inaresto ang tatlong hinihinalang drug pusher sa Barangay Kaunlaran, Quezon City.

Nakuha sa mga ito ang nasa 113 sachet ng shabu, digital weiging scale at mga drug paraphernalia.

Naaresto naman ang 71-anyos na lolo na nakuhanan ng limang sachet ng shabu sa buy bust operation sa Barangay Rosario, Pasig City.

Apat katao naman ang nahuling gumagamit ng iligal na droga sa Barangay Central Bicutan,Taguig City.

Sinabi ng PDEA na magpapatuloy pa ang kanilang mga pagsalakay sa mga pugad ng droga sa ilang mga lugar sa Metro Manila.

Read more...