Retrieval operations sa Natonin, Mt. Province, ipagpapatuloy bukas

Photo: Mt. Province PDRRMO

Ipagpapatuloy pa rin ang retrieval operations sa landslide na naganap sa Natonin, Mountain Province.

Paliwanag ni Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council Officer Atty. Edward Chumawar, ang itinigil lamang kamakailan ay ang full-blast search, rescue and retrieval operations.

Mayroon pa anyang mga volunteers at mga kamag-anak ng anim na patuloy na nawawala ang magpapatuloy ng operasyon.

Bukas pa, araw ng Linggo, ipagpapatuloy ang retrieval operations dahil nasa ‘day of mourning’ pa rin ang bayan ng Natonin.

Higit 20 katao na ang narekober mula sa natabunang gusali ng Department of Public Works and Highways (DPWH) noong October 30.

Read more...