Ito ay sa kabila ng pahayag ng Malakanyang na hindi uungkatin ang nasabing isyu.
Ayon kay US State Department spokesman Mark Toner, kahit hindi man mapasama sa ‘formal agenda’ ay posibleng maungkat ang South China Sea dispute sa sidelines ng APEC summit.
Sa pagbisita kahapon ni Chinese Foreign Minister Wang Yi sa Malakanyang, tiniyak ni Pangulong Aquino na hindi uungkatin ang isyu ng territorial dispute sa darating na APEC summit.
Sinabi naman ni Foreign Affairs Spokesman Charles Jose, ‘hindi proper forum’ ang APEC leader’s meeting para talakayin ang West Philippine Sea dispute at may pormal nang kaso ang Pilipinas na nakahain sa arbitral tribunal ukol dito.
Mananatili rin aniyang isang magalang at kagalang-galang na punong-abala ang Pilipinas sa panahon ng APEC summit kaya’t gagawin nito ang lahat upang matiyak na magiging maganda at maayos ang pananatili ng mga bibisita sa bansa na lalahok sa naturang okasyon.
Una nang kinumpirma ng China na darating sa bansa si President Xi Jinping para dumalo sa APEC summit.