Ayon kay Budget Secretary Florencio Abad, simula November 15, kanilang irerelease na ang second half ng year-end bonus ng mga government employees.
Katumbas ito ng isang isang buwang sweldo ng manggagawa at ang limang libong pisong cash gift na unang ipinangako ng pamahalaan.
Sa ilalim ng 2015 budget, may nakalaang P20.95 na bilyong pisong pondo ang gobyerno para sa year-end bonus ng mga mga manggagawa sa pampublikong sektor.
Ito’y bukod pa sa P4.69 bilyon na inilaan bilang cash gift.
Kasama sa makakatanggap ng bonus ang lahat ng mga national government officials at employees na regular, temporary, casual o contractual, part-time o full time, na nakapagtrabaho ng hindi bababa sa apat na buwan sa pagitan ng January hanggang October 31.
Noong May, tinanggap ng mga government workers ang unang bahagi ng kanilang bonus.