TINGNAN: Christmas On Display sa Cubao, nagbabalik

Makalipas ang labing anim na taon, nagbabalik na ang Christmas On Display o COD sa Araneta Center sa Cubao, Quezon City.

Ang animated Christmas display, na may temang “Christmas is Home” na nagpapakita ng kahalagahan ng pagsama-sama ng pamilya tuwing Pasko, ay inilunsad sa pangunguna ni Quezon City Mayor Joy Belmonte event kagabi (November 23).

Mas pinaningning pa ng ilang celebrities gaya ni Maine Mendoza, Miss Universe Philippines Catriona Gray at iba pa.

Mula 1966 hanggang 2008, ang COD ay nasa Araneta Center. Pero nawala ito, na ikinalungkot ng publiko na kinalakihan ito lalo na tuwing holiday season.

At sa pagbabalik ng COD, maaaring masaksihan ng mga tao ang 15-minute shows mula alas-sais ng gabi hanggang alas-diyes y medya ng gabi, mula araw ng Linggo hanggang Huwebes.

Kapag naman Biyernes at Sabado, mas mahaba ang oras o alas-sais ng gabi hanggang alas-onse y medya ng gabi.

Tatagal ang Christmas display hanggang January 6, 2019.

Read more...