Nauna nang naglunsad ng video ads ang D&G na nagtatampok ng isang Chinese woman na nahihirapang kumain ng pizza at iba pang Italian food nang naka-chopsticks.
Sa isang video, mapapanuod na humingi ng tawad sina Demenico Dolce at Stefano Gabbana sa China at mga Chinese people na naapektuhan ng advertisements.
Ayon kina Dolce at Gabbana, ang kanilang family values ay nagturo sa kanila na dapat irespeto ang iba’t ibang kultura sa mundo.
Umaasa ang dalawa na mapapatawad ng lahat ang D&G kasunod ng umano’y hindi pagkakaunawaan sa cultural understanding.
Anila pa, mahal nila ang China. At dahil sa pagkakamali, hindi raw nila ito makakalimutan at magiging aral sa kanila ang nangyari.
Sa bandang huli, tiniyak nina Dolce at Gabbana na hindi na mauulit ang nangyari, at gagawin nila ang lahat upang mas maintindihan at galangin ang Chinese culture.