Panglao International Airport, pasisinayaan na sa Martes, Nov. 27

Bubuksan na sa Martes, November 27 ang kauna-unahanag eco-airport ng bansa na Panglao (New Bohol) International Airport.

Ayon kay Department of Transportation (DOTr) Director for Communications Goddess Hope Libiran, 99 percent nang kumpleto ang konstruksyon ng bagong paliparan.

Inaasahang pangungunahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang inagurasyon ng P8.9 bilyong airport.

Nagsimula ang konstruksyon ng aiport noong Hunyo 2015 at ang target completion date dapat ng nakaraang administrasyon ay sa taong 2021 pa.

Kayang tumanggap ng airport ng dalawang milyong pasahero na doble ng kapasidad ng Tagbilaran aiport.

Dahil sa Panglao airport ay inaasahang lalakas pa ang turismo at kalakalan sa Bohol.

Ang Panglao Airport ay ang kauna-unahang eco-airport sa bansa dahil sa paggamit nito ng renewable at sustainable structures.

Gagamit ang paliparan ng natural ventilation habang maglalagay din ng solar panels sa bubong ng Passenger Terminal Building na inaasahang magbibigay ng one-third ng kinakailangang energy requirement ng buong paliparan.

Read more...