Sa 11pm Severe Weather Bulletin ng ahensya, alas-8:00 ng gabi ng pumasok sa bansa ang bagyo.
Huli itong namataan sa layong 1,365 kilometro Silangan ng Casiguran, Aurora.
Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 145 kilometro kada oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 180 kilometro bawat oras.
Kumikilos ang bagyo sa direksyong Hilaga Hilagang-Kanluran sa bilis na 15 kilometro kada oras.
Magandang balita naman dahil bagaman may kalakasan, ay hindi tatama sa kalupaan ang bagyo ayon sa PAGASA.
Sa ngayon ay wala pa itong direktang epekto sa bansa ngunit mapanganib ang paglalayag sa mga baybaying dagat ng Northern Luzon.
MOST READ
LATEST STORIES