M4.1 na lindol naitala sa bahagi ng Davao Occidental

Naitala ang magnitude 4.1 na lindol sa katubigan malapit sa Davao Occidental.

Ayon sa Phivolcs, ang episentro ng lindol ay sa layong 226 kilometro Timog-Kanluran ng bayan ng Sarangani.

May lalim ang pagyanig na 40 kilometro.

Tectonic ang dahilan ng pagyanig at hindi naman nakapagtala ng aftershocks.

Hindi rin inaasahan ang pinsala sa mga ari-arian.

Read more...