Ayon kay Lorenzana, nagdesisyon siyang huwag ituloy ang deployment ng tropa ng gobyerno matapos magsabi noon si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga gabinete na huwag pasamain ang loob ng China.
Sa forum ukol sa maritime disputes sa South China Sea, sinabi ng Kalihim na pinag-isipan niyang magpadala ng mga miyembro ng Navy sa Scarborough Shoal dahil sa panalo ng Pilipinas sa kaso laban sa China sa naturang UN-court na naka-base sa The Hague.
Isang linggo anya bago ang ruling ay sinabihan siya ni US Defense Sec. Robert Gates na paborable sa Pilipinas ang lalabas na desisyon ng UN kaya sinabihan niya ang Phil. Navy sa posibleng pagpapadala ng maliit na pwersa sa Scarborough Shoal.
Nasa pulong anya sila nang ianunsyo ang desisyon at sinabihan sila ng Pangulo na huwag silang masyadong magdiwang dahil baka maka-offend ito sa China.