Mga Pinoy martial artist, dinomina ang ONE Championship: Conquest of Champions

INQUIRER Sports/ Tristan Tamayo

(Updated/Corrected) Wagi ang mga Pinoy martial artist sa katatapos na ONE Championship: Conquest of Champions sa MOA Arena kagabi (November 23).

Sa main event, nanatiling hari ng Heavyweight World Championship si Brandon “The Truth” Vera na na-knockout o KO ang Italyanong si Mauro Cerilli sa 1 minute at 4 seconds.

Pero bago ito, ang pambato ng “Team Lakay” na si Honorio “The Rock” Banario ay nagpakitang-gilas at nanalo “via unanimous decision” kontra sa Indian na si Rajul Raju.

Ang tagumpay ng Baguio-native na si Banario ay isang “bounce-back win” matapos siyang matalo kontra Amir Khan noong Setyembre.

Naiganti rin ni Eduard Folayang ang Filipino team makaraang talunin ang Singaporean na si Khan, na duguan sa kalagitnaan ng 2nd round.

Dahil dito, si Folayang na ang itinuturing ngayong nag-iisang 2-time ONE World Lightweight champion.

Samantala, naka-TKO ang isang pang Pinoy na si Jeremy Miado kontra sa kalaban nitong si Peng Xue Wen ng China.

Sa kasalukuyan, umakyat na sa lima ang world championship belts na hawak ng Pilipinas.

Read more...