Paglipad ni Liza bilang Darna, made-delay

Made-delay ang paglipad ni Liza Soberano bilang bagong “Darna.”

Ayon kay Enrique Gil, ka-love team at rumored boyfriend ni Liza, sasailalim sa operasyon ang Kapamilya actress.

Kinumpirma ni Enrique na nagkaroon ng injury sa diliri si Liza sa isang stunt para sa kanilang teleseryeng “Bagani” na natapos na kamakailan.

Dahil dito, hindi muna makapag-shoot para sa Darna movie si Liza.

Bagama’t nalungkot, sinabi ng fans ni Liza na okay na lang na ma-delay, basta’t matiyak na maganda ang kalalabasan ng pelikula.

Nagpaabot din ng well-wishes ang fans ng LizQuen, at nagsabing sana ay gumaling kaagad si Liza.

Taong 2015 pa inanunsyo ng Star Cinema, ang movie outfit ng ABS-CBN, na magkakaroon ng bagong Darna movie.

Pero hindi umubra rito si Angel Locsin, kaya naman naghanap ng iba at napili si Liza.

Nagbitiw na rin si Erik Matti bilang direktor ng Darna, at pinalitan ni “Heneral Luna” director, Jerrold Tarog.

Read more...