Malakihang rollback sa produktong langis, ipatutupad

 

Magkakaroon muli ng malakihang bawas-presyo ang mga kumpanya ng langis.

Buena-manong magpapatupad ng bigtime rollback ang Phoenix Petroleum, na may tapyas na P1.10 sa kada litro ng gasolina at P2.20 sa bawat litro ng diesel, epektibo simula alas-dose ng hating gabi ng Sabado (November 24).

Inaasahan namang susunod na ring mag-aanunsyo ng kani-kanilang price adjustments ang iba pang oil companies.

Ito na ang pang-pitong linggo ng oil price rollback, at inaasahang magtutuloy-tuloy ito hanggang Disyembre.

 

Read more...