Sa joint order na inilabas ni Presiding Judge Andres Bartolome Soriano, “denied” ang mosyon ng DOJ na nagpapabaligtad sa unang desisyon ng korte ukol sa mosyon ng ahensya na maglabas ng arrest warrant laban kay Trillanes.
Ibig sabihin, pinaninidigan ni Soriano na ang pasyang huwag mag-isyu ng warrant of arrest laban sa senador.
Tinanggihan din ng korte ang mosyon ni Trillanes na baligtarin ang October 22 ruling, na nagsasabing legal o constitutional ang Presidential Proclamation 572.
Ang naturang proklamasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte ang nagbabawi sa amnestiya kay Trillanes.
Ayon sa korte, “mere rehash” ang mga argumento ng dalawang panig.
Bilang reaksyon sa desisyon ng korte, sinabi ni Justice Sec. Menardo Guevarra na kanyang kakausapin si Solicitor General Jose Calida para sa susunod nilang legal strategy.
Pero paglilinaw ni Gueverra, hindi pa “end of the saga” at patuloy ang kanilang laban kontra kay Trillanes.