Turkish national na nanakit ng traffic enforcer sa Makati, pinadedeklarang persona non-grata

 

Nais ni Makati Mayor Abigail Binay na ideklarang “persona non grata” ang Turkish national na umatake sa isang traffic enforcer sa lungsod.

Sa isang statement, sinabi ni Binay na hindi niya palalagpasin ang kawalang respesto at masamang inasal ni Ibrahim Yuksel.

Aniya, ginagawa lamang ng traffic enforcer na si Michael Orcino ang kanyang trabaho, ngunit nakatikim pa ito na pananakit ni Yuksel, na kitang-kita sa viral video sa social media.

Giit ni Binay, walang karapatan si Yuksel na saktan o sigawan ang traffic enforcer, na nais lamang naman makita ang driver’s licence ng banyaga.

At dahil sa arogante at “uncivilized” ang Turkish national, sinabi ni Binay na marapat na i-deport ito at ideklarang persona non-grata.

Si Yuksel ay nakasuhan na ng direct assault at resisting arrest at kasalukuyang nasa kustodiya na ng Makati Police.

 

Read more...