Kanseladong flights dahil sa APEC, nadagdagan pa

 

Inquirer file photo

Umaabot na sa kabuuang 1,364 ang mga flights na kinansela sa panahon na ginaganap ang Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) summit dito sa bansa.

1,125 dito ay mga domestic flights habang ang 239 naman ay international flights.

Kahapon, nag-anunsyo ang Philippine Airlines (PAL) ng karagdagang 280 domestic flights at 78 na international flights, 365 domestic at 29 international flights naman ang kinansela pa ng Cebu Pacific (CEB), habang nagkansela pa ng karagdagang 29 domestic flights ang Cebgo.

Ang mga dagdag sa kanseladong flights ay may schedule na mula November 15 hanggang 21.

Matatandaang una nang nagkansela ng 115 domestic at 96 international flights ang PAL, 262 domestic at 26 international ang Cebu Pacific, habang 47 domestic at 10 international flights naman ang kinansela ng Air Asia noon pang nakaraang buwan.

Ang mga pagkansela ng mga biyahe ay para bigyang daan ang pagdating ng mga delegado sa APEC summit.

Read more...