Sisimulan ang reblocking at repair works alas 11:00 ng gabi mamaya, (Nov. 23) at tatagal ito hanggang alas 5:00 ng umaga sa Lunes, November 26.
Ayo kay DPWH-NCR Director Melvin B. Navarro, nakakuha na sila ng clearance mula sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) para sa road works.
Apektado ang mga sumusunod na kalsada:
– EDSA mula Scout Albano hanggang Shell Gasoline Station, beside sidewalk
– EDSA mula Scout Borromeo malapit sa GMA 7, 2nd lane mula sa sidewalk
– EDSA sa harap ng Northstar Motor Corporation, 1st lane mula sa sidewalk
– Batasan Road northbound mula sa Civil Service Commission (CSC) Central Office, 4th lane mula sa gitna center
– Mindanao Avenue northbound mula Mindanao Tunnel hanggang Old Sauyo Footbridge, trucklane
– southbound ng C-5 mula SM Aura, 4th at 5th lane mula median
– C-5 southbound bago sumapit Pasig Boulevard hanggang C-5 flyover
Pinayuhan ang mga motorista na iwasan ang nasabing mga lugar para hindi maabala sa traffic.