Cancer patient na pinayagang mapanood ng maaga ang ‘Star Wars’ pumanaw na

 

Daniel Fleetwood
Mula sa FB

Pumanaw na ang lalakeng unang humiling na mapanood nang mas maaga ang pelikulang “Star Wars” dahil sa may sakit itong cancer sa Amerika.

Si Daniel Fleetwood na nasa end-stage terminal spindle cell cancer, isang rare form ng connective tissue cancer ay namatay ilang araw matapos mapanood ang ‘Star Wars: The Force Awakens’ na pinakahuling installment ng sci-fi saga.

Sa pamamgitan ng isang Facebook post, malungkot na inanunsyo ng misis ni Daniel Fleetwood ang pagpanaw ng 32-anyos niyang mister.

Simula pagkabata, isa nang ‘Star Wars’ fan si Daniel at ang kanyang huling hiling ay ang mapanood ang naturang pelikula bago ito mamatay.

Dahil dito, naglunsad ng isang Twitter campaign na may hashtag na #ForceForDaniel ang mga kaibigan at mga fans ng ‘Star Wars’ upang kumbinsihin ang mga producer na payagan itong mapanood nang mas maaga ang pelikula.

Noong Biyernes, bilang pagtupad sa huling hiling ni Fleetwood, pinayagan itong mapanood ang unedited version ng pelikula na labis nitong ikinatuwa .

Kahapon, tahimik na pumanaw ang ‘Star Wars’ fan.

Read more...