Metro Manila, mga kalapit na lalawigan nakaranas ng malakas na pag-ulan

Nakaranas ng malakas na buhos ng ulan ang Metro Manila at mga kalapit nitong lalawigan.

Sa abiso ng PAGASA, alas 3:20 ng hapon, malakas na buhos ng ulan na may kaakibat na pagkulog at pagkidlat at malakas na hangin ang naranasan sa Cavite, Rizal, Bataan at Pampanga.

Nakasaad sa abiso na tatlong oras ang itatagal ng lagay ng panahon.

Parehong sitwasyon din ang naranasan sa Caloocan, Malabon, Navotas, Valenzuela, Quezon City, Maynila, Mandaluyong at San Juan.

Gayundin sa mga bayan ng Nasugbu, Lipa at Cuenca sa Batangas; Alaminos at San Pablo sa Laguna; Infanta, General Nakar, at Real sa Quezon; at San Narciso, San Felipe, San Antonio, at Castillejos sa Zambales.

Pinayuhan ang mga residente sa nabanggit na mga lugar na maging alerto sa pagbaha na maaring idulot ng pag-ulan.

Ayon sa PAGASA, ang pag-ulan na naranasa ay dahil lamang sa localized thunderstorm.

 

Read more...