Maguindanao massacre dedesisyunan na sa unang quarter ng 2019

Malapit nang ibaba ang desisyon sa kasong may kaugnayan sa Maguindanao Massacre.

Sa panayam ng Radyo Inquirer kay Usec. Joel Sy Egco, ng Presidential Task Force on Media Security, sa unang quarter ng taong 2019 inaasahang mailalabas na ang desisyon ng korte sa kaso.

Mismong ang mga respondent aniya ang humiling sa korte na i-promulgate na ang kaso.

Sinabi ni Egco na magandang balita ito para sa pamilya ng mga nasawi sa masaker, 9 na taon matapos itong maganap.

Ayon kay Egco, “guilty or nothing” ang inaasahan nilang magiging hatol ng korte sa kaso.

At sa sobrang tiwala nila sa task force na guilty ang magiging hatol sa mga suspek ay sinabi ni Egco na magbibitiw siya sa pwesto kapag napawalang-sala ang mga Ampatuan.

Read more...