Dagdag na tropa ng pamahalaan sa Samar, Negros at Bicol ipinag-utos ni Pang. Duterte para mapigil ang ‘lawless violence’

Ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagtatalaga ng dagdag na tropa ng pamahalaan sa Samar, Negros Oriental, Negros Occidental, at Bicol Region.

Nilagdaan ni Executive Secretary Salvador Medialdea base sa kautusan ni Pangulong Duterte ang Memorandum Order No. 32 na nag-aatas ng dagdag na tauhan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) sa nabanggit na mga lugar.

Ito ay para mapigilan umano ang lawless violence kasunod ng mga nagaganap na karahasan nitong mga nagdaang araw.

Inatasan din ang PNP at AFP na gawin ang lahat para mapigil na kumalat sa iba pang bahagi ng bansa ang karahasan.

Ayon sa memorandum ang mga karahasang naganap sa mga nabanggit na rehiyon ay kagagawan ng “lawless groups”.

Dahil dito, kailangang magtalaga ng dagdag na pwersa ng pamahalaan upang maiwasan pa ang mga patayan at pagkasira ng mga ari-arian sa mga apektadong lugar.

Read more...