2 sibilyan, 1 miyembro ng Abu Sayyaf patay sa bakbakan sa Zamboanga City

Tatlo ang patay kabilang ang isang 7 taong gulang na bata nang maka-engwentro ng mga sundalo ang mga bandidong Abu Sayyaf sa Zamboanga City.

Nangyari ang engkwentro Biyernes (Nov. 23) ng madaling araw sa Limaong Island.

Kabilang sa nasawi ang isang babae, isang bata, at ang isang miyembro ng Abu Sayyaf na kinilalang si Abu Nibras.

Si Nibras ay tagasunod nina Abu Sayyaf leader Isnilon Hapilon at Abdullah Indanan.

Ayon kay Col. Leonel Nicolas, commander ng Task Force Zamboanga, naipit sa palitan ng putok ang bata at ang babaeng nasawi.

Tumagal ng 10-minuto ang bakbakan.

Mayroon pang tatlong menor de edad na nasugatan din sa insidente.

Read more...