Pinakamatandang madre sa buong mundo, pumanaw sa edad na 110

Photo: Krakow Archdiocese

Pumanaw na ang pinakamatandang madre mundo.

Si Sister Cecylia Maria Roszak ay pumanaw sa edad na 110 sa Krakow, Poland.

Inanunsyo ng Archdiocese ng Krakow ang pagpanaw ng madre.

Si Roszak ay ganap na naging madre noong 1934 noong sya ay edad 26. Tumulong sya noon sa paghahanap ng kumbento na maaring pagtaguan ng mga Hudyo mula sa Nazi.

Noong 2009 kinilala ang madre at tumanggap ng “Righteous Among The Nations” title na iginagawad ng Israel sa mga tumulong para magligtas ng mga Hudyo.

Read more...