Nationwide Martial law hindi kailangan ayon kay Pangulong Duterte

Iginiit ni Pangulong Rodrigo Duterte na wala siyang planong magdeklara ng nationwide martial law.

Sa kaniyang speech sa founding anniversary ng Philippine Army Reserve Command, sinabi ng pangulo na nagagawa naman ang mga pag-aresto kahit walang umiiral na batas militar.

Dagdag pa ng pangulo wala siyang intensyong manatili ng matagal sa pwesto.

Sinabihan din ng pangulo ang mga sundalo na hulihin siya at i-firing squad sa sandaling mag-extend sya ng kahit na isang oras lang sa kaniyang pwesto.

Read more...