Isa na namang oil price rollback, inaasahan sa susunod na linggo

Isa na namang magandang balita ang naghihintay sa mga motorista.

Sa ikapitong sunod na linggo ay may inaasahan na namang bawas-presyo na ipatutupad sa mga produktong petrolyo.

Sa unang tatlong araw ng trading sa world market, nabawasan na ng P1.73 ang kada litro ng diesel.

Habang P0.67 naman ang rollback sa presyo ng gasolina.

Gayunpaman, kailangan pang hintayin ang resulta ng trading ngayong araw upang malaman kung magkano ang pinal na bawas sa presyo ng petrolyo.

Read more...