FEU pasok na sa Final Four

Kumpleto na ang Final Four para sa UAAP Season 81 men’s basketball tournament.

Ito ay matapos talunin ng Far Eastern University (FEU) Tamaraws ang De La Salle University (DLSU) Green Archers sa kanilang one-game playoff kagabi.

Natapos ang laro sa dikit na iskor na 71-70 pabor sa Morayta-based team.

Nagmistulang bayani ng FEU si Arvin Tolentino dahil sa kanyang three pointer sa natitirang tatlong segundo ng laro.

Bagaman masaya si Tamaraw Coach Olsen Racela dahil sa kanilang pagkapanalo ay hindi nito isinantabi ang realidad na hindi pa tapos ang kanilang laban.

Ayon dito, kung nahirapan ang Tams sa kanilang lakbay sa elimination round ay asahan na ng koponan ang mas mahirap na landas ngayong semifinals, lalo na’t ang kanilang makakalaban ay ang Ateneo de Manila University (AdMU) Blue Eagles.

Magtatapat ang dalawang koponan para sa unang laro ng semis bukas ng gabi.

Read more...