Para maiwasan ang pagkabagot at pagkaburyong ng mga persons deprived of liberty (PDL) na nagreresulta na pagtangkang pagtakas o gulo lalo na at nalalapit na ang Pasko, gumawa ng mga pakulo ang Bureau of Jail Management and Penology (BJMP).
Umaapela si BJMP Spokesperson Chief Inspector Xavier Solda sa publiko na para mas higit matulungan ang mga PDL, mas mainam na tangkilikin ang mga produktong likha na mula sa pasilidad ng BJMP.
Sa mga nagbabalak naman na magpunta sa mga pasilidad ng BJMP para dalawin ang kanilang mga mahal sa buhay lalo na sa panahon ng Kapuskahan ay may paalala si Solda.
Hinikayat naman ni Solda ang mga pupunta sa pasilidad ng BJMP lalo na sa mga magdadala ng pagkain na mas mainam na ilagay ito sa mga transparent ng mga lalagyan para mas madaling makita ng mga BJMP personnel ang kanilang mga dinala.