Sanggol nakaligtas sa rumaragasang tren sa India

AFP

Maswerteng nakaligtas at walang galos ang isang taong gulang na sanggol mula sa isang tren matapos itong mahulog sa riles sa Uttar Pradesh state sa India.

Ayon sa mga ulat, nahulog ang bata sa pagitan ng tren at platform habang bumababa ng tren ang kanyang mga magulang.

Sinasabing nabitawan ang bata ng kanyang mga magulang dahil sa bugso ng taong bumaba sa tren.

Napahiga ang bata sa riles at nang tumakbo na ang tren ay wala nang nagawa ang kanyang mga magulang at iba pang mga pasahero kundi tunghayan na lamang ang bata.

Sa kabutihang palad ay hindi siya nagulungan ng tren.

Matapos makaalis ng tren ay agad itong binuhat ng isang lalaki.

Sa 2012 government report, naitala na nasa 15,000 ang namamatay kada taon dahil sa iba’t ibang rail at train accidents sa India.

Kadalasan ang mga aksidente ay dahil sa iligal na pagtawid sa riles at pagkahulog ng mga pasahero mula sa overcrowded na mga tren.

Samantala, nangako na ang pamahalaan ng India ng USD137 bilyon para sa modernisasyon ng kanilang train system.

Read more...