2019 Tanduay calendar girl, ipinakilala na

Actress, writer, producer, at ngayon inilunsad bilang 2019 Tanduay calendar girl! Siya ay walang iba kundi si Bela Padilla!

Sa event sa Quezon City, ipinakilala si Bela bilang bagong mukha ng numero unong rum sa buong bansa.

Ayon kay Bela, lubos siyang masaya at nagpapasalamat sa pagkakataon maging bilang calendar girl, lalo’t nataon ito sa 165th year milestone celebration ng Tanduay.

Pinaghandaan umano niya ang photo shoot para sa kalendaryo, at tinodo umano niya ang workout.

Gaya ng inaasahan ay maganda ang kinalabasan ng photo shoot.

At mismong si Bela ang nagbuko na nagulat siya nang tawagan para maging Tanduay calendar girl.

Sinabi naman ni Jamie Cipriano, ang junior brand manager at creative head ng Tanduay, bagay na bagay si Bela bilang calendar girl, lalo’t maraming millenials na gustong-gusto siya.

Read more...