Bagyong Samuel nakalabas na ng bansa

Nakalabas na ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang Bagyong Samuel at kumikilos patungong Southern Vietnam.

Sa 8pm Severe Weather Bulletin na pinakahuling bulletin na rin para sa bagyo, alas-6:00 ng gabi ng Huwebes nang lumabas ng bansa ang bagyo.

Huli itong namataan sa Kanluran-Hilagang Kanluran ng Puerto Princesa, Palawan.

Taglay ng Bagyong Samuel ang lakas ng hanging aabot sa 55 kilometro kada oras malapit sa gitna at pagbusong aabot 65 kilometro kada oras.

Kumikilos ito sa direksyong pa-Kanluran sa bilis na 20 kilometro kada oras.

Ayon sa weather bureau, wala nang epekto ang bagyo sa kahit saang bahagi ng bansa.

Nananatili namang mapanganib ang paglalayag sa mga baybaying dagat ng Northern Luzon dahil sa Northeast Monsoon o hanging Amihan.

Read more...