Diokno, nais gisahin ng mga kongresista ukol sa 2019 budget

Ipapatawag ng Kamara sa kanilang question hour si Budget Secretary Benjamin Diokno upang gisahin kaugnay sa mga alokasyon sa P3.757 trillion-2019 national budget.

Ayon sa liderato ng Kamara, importante na malaman mula kay Diokno ang lumulutang na isyu na may kaugnayan sa mga insertion o mga isiningit na alokasyon sa iba’t ibang ahensya ng pamahalaan.

Hindi pa naman alam kung kailan maisasalang sa question hour si Diokno.

Kung sakaling matuloy, ito naman ang kauna-unahang question hour na idaraos sa ilalim ng 17th Congress.

Isinasalang dito ang partikular na opisyal ng gobyerno para makwestyon ng lahat ng kongresista bilang bahagi ng oversight function ng kapulungan.

Read more...