Lalaki arestado matapos mabigong bayaran ang bill sa isang bar sa Malate na umabot na P21K

Arestado ang isang 18 anyos na binate matapos na hindi bayaran ang mga inorder niya sa isang bar sa Malate, Maynila.

Hapon ng Miyerkules (Nov. 21) nang pumasok sa bar lalaki at kaniyang kasamahan at nagsimulang umorder ng alak at pagkain.

Inabot pa ng madaling araw ng Huwebes ang pag-iinom ng suspek at umabot sa P21,000 ang bill nito.

Pero nang sisingilin na, hindi na mabayaran ng lalaki ang bill.

Sinampahan ng kasong estafa ang suspek na nakakulong ngayon sa Ermita Police Station.

Read more...