Kritisismo na probinsya na ng China ang Pilipinas, binalewala lang ng Malacañan

Ipinagkibit-balikat lamang ng Palasyo ng Malacañang ang batikos na bahagi na ng probinsya ng China ang Pilipinas.

Ayon kay Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar, puro kritisimo lamang ang ginagawa ng kalaban ng administrasyon.

Ang mahalaga ayon kay Andanar ay napatatag ang relasyon ng China at Pilipinas matapos ang state visit sa bansa ni Chinese President Xi Jinping.

Iginiit pa ni Andanar na nagdulot ng pagnenegosyo at lumakas ang ekonomiya ng Pilipinas dahil sa gumagandang relasyon sa China.

Bukod dito sinabi ni Andanar na nadagdagan din ang bilang ng nga turistang Chinese na bumibisita sa bansa.

Tiniyak pa ni Andanar na pangahhawalan ng pilipinas ang ruling ng United Nations at hindi ibibigay ng Pilipinas ang kahit na katiting na teritoryo sa China.

Matatandaang binabatikos ng oposiyon ang pagbisita ni Xi sa bansa dahil mistulang pagpayag na ang ginawa ng pangulo na angkinin ng China ang West Philippine Sea.

Read more...