Tiniyak ng National Food Authority (NFA) na sapat ang suplay ng bigas sa kanilang mga warehouses sa buong bansa maging sa mga lugar na sinalanta ng Bagyong Samuel.
Sa isang pahayag, sinabi ni NFA Officer-in-charge Tomas Escarez na nakaalerto at nakikipag-ugnayan ang kanilang mga tanggapan sa Bicol Region, Southern Luzon, Visayas at Northern Mindanao sa mga relief agencies para sa agarang paglalabas ng stocks na gagamitin sa mga operasyon.
Tiyak anya ang suplay ng bigas habang at pagkatapos ng kalamidad.
Ayon sa NFA, mayroong 1.4 milyong bags ng bigas ang nakalagak sa kanilang mga warehouses sa mga rehiyong tinamaan ng Bagyong Samuel.
Ani Escarez, nakikipag-ugnayan ang NFA sa DSWD, Regional and Provincial Risk Reduction and Management Councils (R/PDRRMC), mga lokal na pamahalaan at maging sa Philippine Red Cross.