Pangulong Duterte posibleng pumunta sa China

Tinanggap ni Pangulong Rodrigo Duterte ang imbitasyon ni Chinese President Xi Jinping na muling bumisita sa China sa April 2019.

Matapos ang kanilang bilateral meeting sa unang araw ng kanyang state visit ay sinabi ni Xi na inimbitahan niya si Duterte na dumalo sa ikalawang Belt and Road Forum for International Cooperation sa China sa susunod na taon.

Sa joint statement na inilabas matapos ang state visit ng Chinese President, nakasaad na tinanggap ni Duterte ang imbitasyon ni Xi.

Nagkasundo umano ang 2 lider na ang makasaysayang pagbisita ni Xi sa Pilipinas ay lalong nagpalalim sa kooperasyon at pagiging magkaibigan ng 2 bansa.

Kapag natuloy sa Abril ay magiging pang-apat na beses na itong pagbisita ni Duterte sa China sa mahigit 2 taong termino nito.

Read more...