Missile firing vessels ng Navy ibinida kay Lorenzana

Matapos ang matagumpay na missile test noong Agosto, nagpakitang-gilas ang Philippine Navy ng bago nitong mga kapabilidad sa harap ni Defense Secretary Delfin Lorenzana.

Sa unang pagkakataon at habang sakay ng BRP Davao Del Sur ay nasaksihan ni Lorenzana ang live-fire capability ng matataas na kalibreng armas na nabili sa unang bahagi ng taon.

Ipinakita ng Philippine Navy ang una nilang missile firing vessels na 3 multi-purpose attack craft (MPAC).

Ang Spike-Extended Range (ER) Missile Launching System at Mini Typhoon Machine gun system ay inilagay sa tatlong MPAC ng Navy.

Nasa P10 milyon ang halaga ng kada round ng naturang attack craft.

Bumilib naman si Lorenzana sa napanood na paglunsad ng short-range missiles mula sa Israel.

Wala anyang nasayang na bala na anyay mahal. Pero sinabi nito na mas sayang kung bibili ng murang bala na hindi naman tumatama.

Ayon sa kalihim, ang missiles ay para sa territorial defense dahil kaya nitong sumira ng maliliit na mga bangka at armored vehicles.

Read more...