Mickey Mouse nagpunta sa Pilipinas

DISNEY

Sa pagdiriwang ng ika-90 kaarawan ng kilalang Disney character ay nagtungo si Mickey Mouse sa Maynila.

Sa Facebook post ng Oh My Disney Asia, makikita ang karakter na bumisita sa iba’t ibang mga lugar sa mundo at hindi niya pinalampas ang mga magaganda at makasaysayang lugar sa Pilipinas.

Suot ang barong tagalog ay binisita ni Mickey ang monumento ni Dr. Jose Rizal sa Luneta.

Nagpunta rin si Mickey sa Fort Santiago, kung saan kasama nito ang isang Pinoy na nakasuot din ng barong, habang ang Pinay nasa litrato rin ay naka baro’t saya naman.

Hindi rin pinalampas ng tanyag na Disney character ang matunghayan ang magandang sunset sa Manila Bay.

Itinampok din sa naturang Facebook page ang Mickey Mouse design sa mga traffic light sa Maynila.

Read more...