Trinity University of Asia nagluluksa sa pagpanaw ng isa sa kanilang mga estudyante

Labis na nagluluksa ngayon ang buong komumidad ng Trinity University of Asia (TUA) sa pagkamatay ng isa sa kanilang mga estudyante kamakailan.

Batay sa Quezon City Police District (QCPD), ang biktima na si Eduardo Papa, 22 anyos at isang 4th year Biology student, ay tumalon mula sa isang condominium building noong November 19, 2018.

Sa isang statement ng Office of the President ng TUA, tiniyak nila na gumagawa na sila ng kaukulang hakbang upang suportahan ang pamilya ng estudyante.

Hinimok naman ni Dino Cantal, isa sa mga propesor sa TUA, ang netizens na huwag nang ikalat ang umano’y suicide note ng biktima.

Batay sa ulat, nabanggit daw ni Papa ang mataas na tuition fee at kabiguan niyang magpatuloy bilang working student dahil sa bigat ng work load sa paaralan.

Kung may suliranan man sa pag-aaral ang mga estudyante, sinabi ni Professor Cantal na maaaring kausapin silang mga guro o mga magulang.

Read more...