P160M inilaan para sa ilang election supplies ng COMELEC

Inaprubahan ng Commission on Elections (Comelec) ang P160 milyong alokasyon para sa pagbili ng ilang mga kagamitan na gagamitin para sa 2019 midterm elections.

Sa isang pahayag, sinabi ng ahensya na sa pamamagitan ng Bids and Awards Committee (BAC) ay naglaan ng kabuuang PHP160,687,221.94 pondo para sa 13 items kabilang ang indelible inks, ballpens at ballot secrecy folders.

Ayon sa Comelec BAC, ang mga interesadong bidders ay maaaring kumuha ng bidding documents hanggang December 11 sa kanilang opisina sa Intramuros, Maynila.

Ang pre-bid conference para sa mga prospective bidders ay isasagawa sa November 27 sa FEMII Building.

Ang submission of bids ay nakatakda sa December 11, alas-9:00 ng umaga sa BAC Secretariat office at ang opening ng bids ay sa alas-10:00 naman ng umaga sa kaparehong araw.

Read more...