State visit ni Chinese President Xi Jinping natapos na

Inquirer Photo | Marianne Bermudez

Nakaalis na si Chinese President Xi Jinping matapos ang 2 araw na state visit sa Pilipinas.

Dakong 1:30 Miyerkules ng hapon umalis ang eroplano ni Xi sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Bago ang kanyang pag-alis ay nakipag-pulong si Xi kina House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo at Senate President Tito Sotto.

Nagkaroon din ng pulong ang Chinese President sa mga lider ng Filipino-Chinese community sa bansa.

Sa unang araw ng kanyang state visit ay pinangunahan ni Xi ang wreath-laying sa bantayog ni Dr. Jose Rizal sa Luneta.

Sumunod ang pagtanggap sa kanya ni Pangulong Rodrigo Durterte sa Malakanyang.

Sinaksihan ng 2 lider ang palitan ng halos 30 kasunduan sa pagitan ng Pilipinas at China kabilang ang Memorandum of Agreement (MOA) sa oil and gas development sa West Philippine Sea o South China Sea.

Nagkaroon sina Duterte at Xi ng bilateral meeting pagkatapos ay nagbigay ng kanya-kanyang pahayag sa kanilang joint statements.

Martes ng gabi ay nagdaos ng state banquet para kay Xi at kanyang delegasyon.

Si Xi ang unang Presidente ng China na bumisita sa Pilipinas sa nakalipas na 13 taon.

Read more...