Bahay ni Jimmy Bondoc sa Quezon City ninakawan

Jimmy Bondoc

Nilooban ang bahay ng singer at PAGCOR Vice President for Corporate Social Responsibility na si Jimmy Bondoc.

Batay sa kuha ng CCTV, hindi bababa sa dalawa ang suspek na pumasok sa loob ng bahay ni Bondoc at nagnakaw ng ilang mga gamit noong November 20, 2018.

Sinabi ni Bondoc na sa loob ng isang oras ay naisakatuparan ang panloloob at pagnanakaw sa kanyang bahay sa Barangay Pinagkaisahan, sa Quezon City.

Kabilang sa mga nakugang gamit ay isang laptop at isang camera, na ayon kay Bondoc ay pag-aari ng kanyang yumaong ama.

Sa kanyang post sa Facebook ngayong November 21, umapela si Bondoc sa lahat ng tulungan siyang matunton ang mga suspek.

Ayon naman kay NCRPO Chief Guillermo Eleazar, iniimbetigahan na ng mga pulis ang naganap na nakawan.

Pero batay sa napanuod niya sa kuha ng CCTV ay beterano na sa pagnanakaw ang suspek, na ngayon ay tinutugis na rin ng mga otoridad.

Read more...