Bagyong Samuel bumagal habang papalapit sa Palawan

Bahagyang bumagal ang Tropical Depression Samuel habang papalapit ito sa Palawan.

Sa 11pm Severe Weather Bulletin ng PAGASA, huling namataan ang bagyo sa layong 140 kilometro Kanluran Timog-Kanluran ng Cuyo Palawan o 140 kilometro Silangan Hilagang-Silangan ng Puerto Princesa City.

Taglay ng bagyo ang lakas ng hanging aabot sa 54 kilometro kada oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 60 kilometro kada oras.

Kumikilos ito sa bilis na 25 kilometro kada oras sa direksyong pan-Kanluran at inaasahang tatama sa Northern Palawan madaling araw ng Huwebes.

Nakataas pa rin ang Signal no. 1 sa Palawan kasama ang Calamian at Cuyo groups of Islands.

Muling maglalabas ang PAGASA ng susunod na advisory mamayang alas-2:00 ng madaling araw.

Read more...