Niyanig ng magnitude 3.6 na lindol ang bahagi ng Surigao del Sur alas-11:53 ng gabi ng Miyerkules.
Ayon sa Phivolcs, ang episentro ng lindol ay sa layong tatlong kilometro Hilagang-Silangan ng bayan ng Lingig.
Tectonic ang dahilan ng pagyanig na may lalim na 74 kilometro.
Hindi naman inaasahan ang aftershocks at pinsala sa mga ari-arian bunsod ng lindol.
MOST READ
LATEST STORIES