State visit ni Xi Jinping, generally peaceful – NCRPO

Naging mapayapa sa pangkahalatan ang naging state visit sa bansa ni Chinese President Xi Jinping ayon sa National Capital Region Police Office (NCRPO).

Sa isang pahayag sinabi ni NCRPO Chief Director Guillermo Eleazar na naging organisado at mapayapa ang pagbisita ng Chinese leader.

Nagpasalamat ang opisyal sa mga pulis, local government units at iba pang ahensya ng gobyerno para matiyak ang kaligtasan at seguridad ng delegasyon ni Xi.

Samantala, malaki din anya ang naging papel ng suporta ng publiko para maging matagumpay ang state visit na ito na lalong magpapalalim sa relasyon ng China at Pilipinas.

Si Xi ang kauna-unahanang Chinese President na nagsagawa ng state visit sa bansa sa loob ng 13 taon.

Read more...