Jordan nagwalkout sa ikalawang tuneup game kontra sa Pilipinas

Nagwagi ang Gilas Pilipinas sa kanilang ikalawang tuneup game laban sa koponan ng Jordan.

Natapos ang laro sa iskor na 82-73 at nanalo ang Gilas by default.

Ito ay matapos mag-walkout ng koponan ng Jordan sa kalagitnaan ng fourth quarter.

6 minuto at 26 na segundo pa ang natitira sa orasan nang tawagin ni Jordan head coach Joey Stiebing ang kanyang mga manlalaro sa court.

Bago ito ay nagkainitan si Stiebing at Gilas coach Yeng Guiao, hanggang sa puntong nagkasigawan pa ang dalawa.

Sa unang tuneup game ng dalawang koponan noong Lunes, natalo ng Jordan ang Gilas sa iskor na 98-92.

Read more...